398 - Ngayo'y Iniisip Ang Magandang Lugar

Ngayo'y iniisip ang magandang lugar
Na sasapitin ko ngang tunay;
Ang putong ko kaya'y may bituing taglay
Kung ako roon ay dumatal?

REFRAIN

Magkabituin kaya sa aking putong
Paglubog ng araw sa hapon?
Sa lugar ng pahingahan kung bumangon
Magkabituin kaya roon?

Sa lakas N'ya ako'y bayaang gumawa
Tumawag, magpuyat, humanda,
Nang magkabituin ako nang sagana
Sa araw na yaong dakila.

REFRAIN

Magkabituin kaya sa aking putong
Paglubog ng araw sa hapon?
Sa lugar ng pahingahan kung bumangon
Magkabituin kaya roon?

Kung ipanagumpay ko ang kaluluwa
Tuwa ko'y walang makapara,
Ang putong na tala sa araw ng saya
Ay igagawad ng Diyos Ama.

REFRAIN

Magkabituin kaya sa aking putong
Paglubog ng araw sa hapon?
Sa lugar ng pahingahan kung bumangon
Magkabituin kaya roon?

0:00 0:00